Experiment││Fashion││Jokes││Kalokohan││Problems││Shocking││Studies││Tips

website hit counter

Sunday, January 9, 2011

4 Facebook will en on March 15th

PALO ALTO, CA –Mark Zuckerberg announced that Facebook will be shut down in March. Managing the site has become too stressful.
“Facebook has gotten out of control,” said Zuckerberg in a press conference outside his Palo Alto office, “and the stress of managing this company has ruined my life. I need to put an end to all the madness.”
Zuckerberg went on to explain that starting March 15th, users will no longer be able to access their Facebook accounts.
“After March 15th the whole website shuts down,” said Avrat Humarthi, Vice President of Technical Affairs at Facebook. “So if you ever want to see your pictures again, I recommend you take them off the internet. You won’t be able to get them back once Facebook goes out of business.”
Zuckerberg said that the decision to shut down Facebook was difficult, but that he does not think people will be upset.
“I personally don’t think it’s a big deal,” he said in a private phone interview. “And to be honest, I think it’s for the better. Without Facebook, people will have to go outside and make real friends. That’s always a good thing.”
Some Facebook users were furious upon hearing the shocking news.
“What am I going to do without Facebook?” said Denise Bradshaw, a high school student from Indiana. “My life revolves around it. I’m on Facebook at least 10 hours a day. Now what am I going to do with all that free time?”
However, parents across the country have been experiencing a long anticipated sense of relief.
“I’m glad the Facebook nightmare is over,” said Jon Guttari, a single parent from Detroit. “Now my teenager’s face won’t be glued to a computer screen all day. Maybe I can even have a conversation with her.”
Those in the financial circuit are criticizing Zuckerberg for walking away from a multibillion dollar franchise. Facebook is currently ranked as one of the wealthiest businesses in the world, with economists estimating its value at around 7.9 billion.
But Zuckerberg remains unruffled by these accusations. He says he will stand by his decision to give Facebook the axe.
“I don’t care about the money,” said Zuckerberg. “I just want my old life back.”
The Facebook Corporation suggests that users remove all of their personal information from the website before March 15th. After that date, all photos, notes, links, and videos will be permanently erased.


Via http://weeklyworldnews.com
Read More...

1 El Filibusterismo Kabanata 12 buod

Kabanata 12: Placido Penitente
Mga taga Ateneo – mabibilis lumakad, may hawak na aklat at kuwaderno, abala at iniiisip ang kani-kanilang mga leksyon, nakadamit ng parang europeo ang ilan.
Letranista – nakadamit Filipino at higit na kaunti ang dalang aklat
Juanito Pelaez – kaklase ni Placido na anak ng isang mestisong Espanyol na negosyante. Kaibigan ni Padre Camorra at kasama nitong nangharana noong bakasyon.
Dumating ang karwahe ni Paulita Gomez, lahat ay natulala at nakatingin at namumutla si Isagani.
Tadeo – bagamat lakwatsero at mahilig magpalusot na may sakit o di kaya’y may gagawin para hindi lamang maka pasok sa klase ay pumapasa at sinasabing mahal ng mga propesor
 Nahuli si Placido sa klase at nagdabog pa sa pagpasok kaya naman sinabi ng guro na magbabayad ito.
Read More...

0 El Filibusterismo Kabanata 11 buod

Kabanata 11: Los Banos
Nangangaso ang Kapitan Heneral ngunit wala namang dumaraang hayop kaya sa huli ay napilitan itong bumalik sa bahay upang makapag pahinga at gumawa ng trabaho.
naglalaro sila ng baraha, sina Padre Irene, Padre Sybila at ang kapitan heneral, nagpapatalo naman ang mga fraile.
 Panukala ukol sa armas: Pahintulutan ang pagbili ng lahat ng hindi sais milimetrong armas de salon
Titser sa Tiani: mareklamo daw ito at dapat suspendihin. Lahat daw ng hihingi ng tulong ay sususpendihin sabi ng kapitan heneral.
Proyekto ni Don Custodio: magkakaroon ng mga eskwelahan nang hindi gumagastos ng isang kusing ang pamahalaan kung gagamiting mga eskwelahan ang mga sabungan kahit lamagn Lunes hanggang Biyernes.

Akademiya sa Wikang Kastila: sinabi ni Padre Sibyla na isa raw itong rebolusyon sa selyadong papel na ipinagtanggol naman ni Padre Fernandez (guro ni Isagani) at ni Padre Irene. Lumabas ang mga pangalan nila Makaraig, Isagani at Basilio sa usaping ito.
 
Padre Camorra: Hindi daw dapat matuto ang mga indio ng Kastila sapagkat pag marunong na sila makikipagtalo na ito sa kanila. Dapat lamang sa mga Indio ay sumunod at magbayad. Hindi sila dapat makialam sa interpretasyon ng kung ano ang sinasabi ng mga batas at mga libro.
Nalaman ni Padre Camorra ang ginawang pag petisyon ni Juli para sa paglaya ni tandang selo at tinulungan ito.
Read More...

6 El Filibusterismo Kabanata 10 buod

Kabanata 10: Karangyaan at KaralitaanHiniling ni Simoun na makituloy siya kina Tales upang doon maganap ang bentahan ng mga alahas niya.
Kapitan Basilio, Sinang, Hermana Penchang –mga bisita noong gabi na namimili sa samut saring mga alahas na ipinapakita ni Simoun.

 Sumulat si Tales: Kinuha niya ang rebolber ni Simoun at ipinalit ang relikaryo ni Maria Clara na ibinigay ni Basilio kay Juli. Sumali na ito sa mga tulisan at namundok
Dumating ang mga guwardiya sibil at dahil wala si Tales (Telesforo Juan de Dios) si Tandang Selo ang dinakip

Kinagabihan, natagpuang patay ang asenderong fraile at ang bagong kasama, basag ang bungo at puno ng lupa ang bibig. Sa bayan naman, natagpuang patay ang asawa ng kasama na ginilitan ng leeg at may lupa rin sa bibig. Sa papel na tabi nito may pangalang Tales na isinulat sa dugo na matatagpuan.
Read More...

26 El Filibusterismo Kabanata 9 buod

Kabanata 9: Ang mga Pilato
Naipatalo ang kaso ng asundo na isinampa ni Tales
Laging pinagdadasal ni Hermana Penchang si Juli at pinag nonobena
Lumuwas si Basilio ng Maynila para tubusin si Juli
Read More...

56 El Filibusterismo Kabanata 8 buod

Kabanata 8: Maligayang Pasko
Napipi si Tandang Selo dahil sa masalimuot na sinapit ng kanyang pamilya.
Read More...

20 El Filibusterismo Kabanata 7 buod

Kabanata 7:Simoun
Malapit sa puntod na pinanggalingan ni Basilio may nakita siyang di kakilalang lalaki sa malayo at yun ay si Simoun. Naghuhukay ang alahero, walang suot na salaming asul kaya naman nagbago ang anyo nito. Kinilabutan si Basilio dahil alam niyang ito rin ang di kilalang lalaki na humukay ng paglilibingan ng kanyang ina labintatlong taon na ang nakalipas, higit na matanda nga lamang ngayon, may puti na ang buhok, maybigote at balbas ngunit iyon parin ang mga mata nito at ang mapanglaw na mukha.
Naisip niya na samakatuwid na ang namatay o naglaho na tagapagmana ng lupaing ito ay walang iba kundi ang alaherong si Simoun—napagtagpi-tagpi na ni Basilio na si Simoun nga si Crisostomo Ibarra.
Nilapitan niya ito at tinanong kung may matutulong siya. Sa pagkagitla ni Simoun, tinanong niya si basilio kung alam ba niya kung sino siya at sumagot si Basilio na isa raw siya sa mga taong itinuturing niyang banal sapagkat 13 years ago tumulong ito sa kanya sa paglilibing ng kanyang ina. Sumagot si Simoun na taglay ni Basilio ang lihim na maaaring makasira sa kanyang mga balak.

Istorya ni Simoun:
Siya nga ang may sakit at kalunos-lunos na nagtungo rito 13 years ang nakalipas upang mag-ukol ng huling pagpapahalaga sa isang dakilang kaluluwa na maringal na yumakap sa kamatayan alang-alang sa kanya. Sinawi ng isang pusakal na sistema, naglagalag si Simoun sa iba’t ibang part eng mundo upang magpayaman at maisakatuparan ang kanyang mga balak. Nagbalik siya upang wakasan ang sistemang ito sa pamamagitan ng lalong pagpapadali sa pagkabulok nito.
Read More...

1 El Filibusterismo Kabanata 6 buod

Kabanata 6: Basilio
Madilim ang gabi at si Basilio ay patuloy na naglalakad tungo sa kadiliman, makalipas ang kalahating oras sumapit siya sa isang batis kung saan may nakatindig na tila punso sa kabilang pampang nito at isang maitim at walang hugis na bunton na mistulang isang bundok sa kadiliman. Tumawid si Basilio tungo rito sapagkat sa tabi ng gumuhong pader ay ang isang puntod na sadyang banal para kay Basilio –ang puntod ng kanyang ina.
13 taon na ang nakalipas nang mamatay ang kanyang ina sa gitna ng matinding pagdaralita. Sugatan at iika-ika itong nakarating sa pook na ito sa paghahabulan nila. Hibang at tigib sa takot, dito ito binawian ng buhay at may dumating na lalaking nag-utos na lamang kay Basilio na kumuha ng mga panggatong. Sumunod siya at nagbalik, at nakita niya na may isa pang di kilalang lalaki na nasa tabi ng bangkay ng nauna. Tinulungan siya nitong magparikit ng apoy na pagsusunugan nila ng bangkay ng di kilalang lalaking namatay, at humukay sa libingan ng kanyang ina. Matapos ay inabutan siya ng salapi at inutusang tumakas.
Read More...

47 El Filibusterismo Kabanata 5 buod

Kabanata 5: Ang Nochebuena ng Isang Kutsero
Sinong – ang kutsero ni Basilio na kinulata ng mga guwardiya SIbil sapagkat naiwan niya ang kanyang sedula.
Mga Santo sa Prusisyon:
Matusalem
Gaspar, Baltazar, Melchor
San Jose
Birheng nakasuot ng Divina Pastora
Read More...

1 El Filibusterismo Kabanata 4 buod

Kabanata 4:Kabesang Tales
* Naninirahan sila dati sa pusod ng gubat. Si Tandang Selo, Telesforo –kanyang asawa at 3 anak. Isang araw hinawan nila ang gubat sa may hangganan ng bayan sapagkat akala nila’y wala naman itong may-ari at sa pangyayaring ito namatay ang kanyang asawa at panganay na anak dahil sa matinding lagnat. Noong umpisa walang pumapansin sa kanila nguning nang aani na sila sa unang pagkakataon, isang korporasyong relihiyoso na may-ari ng mga lupain sa karatig-bayan ang umangkin sa kanilang taniman at iginiit na sakop ito ng hangganan nila. Bagama’t hindi ito binawi kina Tales, pinagbayad naman sila ng taunang buwis na 20 o 30 piso.
* Pumayag sila at nagbayad hanggang sa tumaas ng tumaas ang singil at ginawa siyang Kabesa o taga kolekta ng buwis. Dahil dito naglugi siya ng malaki sapagkat pag may mga hindi nagbabayad, siya din ang nagpupuno dito galing sa kanyang sariling bulsa. Isinali sa Itinaas ang upa sa dalawandaang piso at dito na tumutol si Tales. Sinabi niya na hanggang walang nakakapaghukay at nakakapag araro sa lupa niya ng dugo at nawalan ng asawa at anak, hindi niya ito ibibigay.
* sinampahan niya ito ng asunto at inubos ang pera sa pag arkila ng mga abogado. Hindi na nakapag aral si Juli sa Maynila at hindi rin natubos si Tano sa hukbo ng pag ka gwardiya sibil. Sa kahuli hulihan, nakidnap si Tales at humingi ang mga tulisan ng limangdaang piso kapalit ng kanyang paglaya. Ibinenta nila Juli at tandang Selo ang lahat ng kagamitan nila ngunit kulang parin kaya namasukan si Juli kay Hermana Bali upang punan ang 250 Piso na kulang.
Read More...

1 El Filibusterismo Kabanata 3 buod

Kabanata 3:Mga Alamat
Ich weiss nich was sol les bedeuten
Dass ich so traurig bin!
“Hindi ko batid ang kahulugan kaya lubha kong ikinalulumbay”
MGA ALAMAT:
1. Donya Jeronima – dati siyang kasintahan ng isang estudyante na nangakong magpapakasal sa kanya. Matagal siyang naghintay ngunit nakalimot ito kaya naman siya ay tumaba nang lubusan. Isang araw nakatanggap na lamang siya ng balita na arsobispo nap ala ang dating kasintahan at nang puntahan niya ito upang tuparin ang dating pangako, ngunit sa huli ay imposible na itong mangyari kaya naman nag-utos na lamang ang arsobispo na gumawa ng kweba para kay donya Jeronima. Sa sobrang katabaan daw nito, kailangan pang tumagilid para makapasok ito sa kweba at naging bantog din siyang engkantada, sapagkat may ugali daw itong maghagis sa ilog ng mga pinggan at kubyertos na pilak.
2. Buwaya na naging bato – nanalangin kay San Nicolas ang isang Tsino noong tumaob ang bangka niya at nasa aktong sasagpangin ng mga buwaya.
3. Alamat ng Malapad na Bato
4. Ang pagkamatay ni Ibarra

Read More...

0 El Filibusterismo Kabanata 2 buod

Kabanata 2:Ibabang Kubyerta
Basilio – nakatatanda at nakasuot ng itim, estudyante ng Medisina , at kinikilala sa kaniyang mabuting panggagamot at kahanga-hangang pag-aalaga sa may-sakit.
Isagani – higit na mataas, higit na malusog bagamat mas nakababata kay Basilio. Isa ito sa mga makakata kung hindi man mambebersong lumitaw sa taong iyon sa Ateneo, may kakaibang ugali, karaniwang ayaw makipag-usap, at malimit sumpungin at hindi kumikibo.
à Kinakausap si Basilio ni Kapitan Basilio tungkol sa kalagayan ni Kapitan Tiago. Malubha na kasi si Kapitan Tiago sa opyo at dagdag pa nilang pinag usapan ang tungkol sa Academia de Castellano kung saan puro balakid ang mga naitanong ni Kapitan Basilio
Paano makukumbinsi na pahintulutan: Niregaluhan si Padre Irene ng isang pares na mga kastanyo para tumulong sa pagkumbinsi.
Pondo? Magbibigay ng isang real ang bawat mag-aaral
Propesor? Mga Filipino ang kalahati at mga Peninsular ang kalahati
Lugar? Ibinigay ni Makaraig ang isa sa mga bahay niya upang gawing paaralan
Dito nalaman na si Don Tiburcio ay nagtatago pala sa bahay ng Tiyuhin ni Isagani na si Padre Florentino.
Pakikipag-usap ni Simoun:
Inalok niyang uminom ang dalawa ng serbesa sapagkat sabi nga ni Padre Camorra ay mabuting uminom nito, ngunit tumanggi si Isagani at Basilio. Sumagot si Basilio na kung tubig na lang siguro ang iniinom ni Padre Camorra ay titigil ang mga usap-usapan tungkol sa kanya. Ang sagot naman ni Isagani ay: “ napakatamis ng tubig at naiinom, bagaman lumulunod sa alak at serbesa at pumapatay sa apoy. Nagiging singaw kapag pinainitan; kapag naligalig, nagiging karagatan na minsan nang pumuksa sa sangkatauhan at yumanig sa dibdib ng mundo!”
à dito tinawag ni basilio na Eminensya Negra o tagapayong Capuchino/ Eminensya Gris —si Simoun ng Kapitan Heneral
Si PADRE FLORENTINO:
Siya ang klerigo na tiyuhin ni Isagani
Mabuting kaibigan ng kanyang ina ang arsobispo kaya ipinangakong magiging saserdote ito. Sa gulang na 25, inorden siya nang arsobispo at noong namatay ang kanyang ina, iniwan sa kanya ang lahat ng kayamanan nito. Ilang linggo bago ang kanyang unang misa, nagpakasal sa iba ang kanyang mahal at dahil dito ay inilubog niya ang kanyang sarili sa kanyang parokya, at itinalaga sa sarili ang tungkulin sa kanyang mga nasasakupan. Nang maganap ang pangyayari noong 1872, iniwan niya ang kanyang parokya at nagretiro. Inampon niya ang kanyang pamangkin na si Isagani ( na sabi ng iba ay anak niya sa dating katipan nagn mabalo ito at ang ibang naka aalam naman ay nagsabing: anak daw ito ng isa niyang pinsan sa Maynila.
Read More...

1 El Filibusterismo Kabanata 1 buod

Kabanata 1: Sa Kubyerta
“sic itur ad astra”
Ganito ang landas ng mga Bituin

Isang umaga ng Disyembre, dumadaan sa Pasig ang Bapor Tabo lulan ang mga pasahero patungong Laguna:
 Mabigat, bilog at halos hugis tabo ang bapor na pinagmulan ng pangalan nito, marusing ang kabila ng pagkukunwaring maputi, ngunit maharlika at kapita-kapitagan dahil sa kabagalan. Isang tagumpay laban sa kaunlaran- isang bapor na hindi naman ganap na bapor; isang organismong hindi nagbabago; hindi buo ngunit hindi mapasusubalian; at kapag nais magpakitang umuunlad, buong kasiyahan nang ipinagmamalaki ang isang pahid ng pintura.
 Mahahalintuad sa Estado sapagkat may hirarkiya ang mga pasahero: Mga intsik at indio sa ibaba kasama ng mga kalakal at mga empleado ng pamahalaan, prayle at mga mahahalagang tao sa kubyerta.
 Kapitan ng Barko: dating marino na pumalaot na sa mga malalaking dagat, bagamat matanda siya ay magiliw at ngayon para bang nag-aalaga na lamang ng bapor na sumpungin, matigas ang ulo at tamad pa.
 Donya Victorina – tanging babaeng nakaupo sa piling ng mga Europeo. Nilait lang Tabo dahil sa kabagalan ng takbo nito at sinabing mas mabuti pa sana kung wala na lang mga Indiong nabuhay sa mundo, hindi alintana na ang mga timonero at ang 99 porsiyento ng mga sakay nito ay mga Pilipino na tulad niya rin (kung tatanggalin ang makapal na kolorete sa mukha at mayayabang na damit.) Nandito siya sapagkat may nakapag sabi na nasa Laguna ang kanyang asawang si Don Tiburcio de Espadana at nais niya itong akiting umuwi sa kanila sa pamamagitan ng kanyang bagong kulot na buhok.
Mga Nasa Kubyerta:
Tatlong Fraile –uurong daw ang buong mundo kapag dumating ang araw na pumunta sila sa kanan
Don Custodio – payapang natutulog at nasisiyahan sa kanyang mga proyekto
Ben Zayb (anagrama ng Ibanez) – isang manunulat na naniniwalang nag-iisip ang Maynila sapagkat siya ay nag-iisip
Simoun – ipinalalagay na tagapayo at tagabulong ng lahat ng kilos ng Kapitan Heneral.
Ang Pagtatalo:
Nakikipagtalo si Padre Camorra ( prayle na mukhang artilyero) kay Ben Zayb at sinasabi ang proyekto ng isang prayle sa Puente Del Capricho na hindi natuloy sapagkat sinabi ng mga alagad ng siyensya na hindi ito ligtas sa sakuna. Kulang daw ito sa tibay at mapanganib.
· Sumabat si Donya Victorina at sinabi na hindi tulay ang mga problema kundi wala kasing mabuting lawa ditto sa Pilipinas,
· Agad na sumagot si Simoun at sinabing madali lang ang solusyon sa problema nila: Humukay ng isang tuwid na kanal mukla sa luwasan hanggang hulo ng ilog, na magdaraan sa Maynila. Ang ibig sabihin nito ay gagawa ng bagong ilog at sasarhan ang matandang ilog. Makakatipid ng lupa, iikli ang paglalakbay, at mapipigil ang pagtubo ng mga balaho.
Sumagot naman si Don Custodio – sino ang gagawa? Kakailanganin ng malaking pera diyan sa proyektong iyan.
Simoun: ang mga preso at salarin ang magtatrabaho at kung kulang pa, lahat ay magtatrabaho at imbes na labinlimang araw lang ang Polo, gawin itong hanggang apat na buwan at pagbaunin na rin ng pagkain ang mga manggagawa
Don Custodio: Natakot at baka raw maghimagsik ang mga tao sa ganyang uri ng panukala.
Simoun: Sa ganitong paraan lamang maisasakatuparan ang malaking proyekto nang maliit ang puhunan. Hindi naman daw nag himagsik ang mga mamamayan ng Ehipto na gumawa ng mga Piramide tulad ng mga taong gumawa ng Koliseo sa Roma.
à Nagpatama pa ito kay Padre Salvi: Ano ang silbi ng mga prayle sa bansa kung hindi nila kayang pigilin ang mga rebolusyon?
Don Custodio: Mag-alaga na lang daw ng mga pato na kakain sa mga maliliit na suso sa ilalim ng lawa para lumalim ito ng walang gumagawa.
Donya Victorina: Nandiri sa mangyayari kapag nangyari ang panukala ni Don Custodio sapagkat dadami ang mga pato na magbubunga ng balot.
Read More...

Friday, January 7, 2011

5 Teoryang Pampanitikan

Ang teoryang pampanitikan ay ang sistematikong pagaaral ng panitikan at ang mga paraan sa pagaaral ng panitikan. Mayroong iba't ibang teorya para sa pag-aaral na ito.
Katotohanan kaysa kagandahan ang mababakas sa teoryang ito. Kahit sino, ano mang bagay at lipunan ay dapat makatotohanan ang paglalarawan o paglalahad. Nagpapahayag din ito ng pagtanggap sa katotohanan o realidad. Tulad sa akda, totoong ang tao ay nasisilaw sa ginhawang maibibigayng kayamanan. Natanggap ng isang tauhan ang nangyari subalit tinakasan ng isang tauhan ang katotohanan at siya ay nawala sa sarili. Ang sobrang paghahangad ng materyal na bagay ay totoong makasisira rin sa tao.


Romantisismo

Sa teoryang romantisimo, ang binibigyang-tuon ng akda ay ang pagtakas sa katotohanan. Karaniwan ang mga akda sa wika, kapaligiran at tauhan. Pinahahalagahan din sa akda ang kalikasan, nakaraang institusyong panlipunan at damdaming nakapaloob dito. Ito ay nagpapakita ng pagmamahal ng tao sa kanyang kapwa, bayan at iba pa.

Humanismo

Binibigyang pansin ang magagandang saloobin ng taong nakapaloob sa isang akdang pampanitikan. Binibigyan din ng pansin ang magagandang damdaming taglay ng isang tao.Itinataas din ang karangalan ng tao bilang sentro ng akda. Ipinakikita ang magagandang saloobin ng tao na nakapaloob sa mga tiyak na pahayag sa akda. Maari ring idagdag ang magagandang damdaming taglay ng tauhan. Ito'y namayagpag sa makabagong panahon.ito ay nagtataglay ng mga magagandang ugali meron ang isang tao batay sa kanyang kilos o


Eksistensyalismo

Binibigyan-diin ang mga bahagi ng akda na nagpapakita ng mga paniniwala, kilos at gawi ng tauhan. Gumagawa siya ng pagpapasya na kailangan niyang harapin anuman ang magiging kahinatnan nito. Mahalagang makita ang kalakasan ng paninindigan ng tauhan. Malaya siya sa kanyang pagbuo ng desisyon at kung paano niya ito tatalikurin. Ito'y namayagpag sa panahon ng Kastila at hanggang sa kasalukuyan.Ang teoryang ito ay nagpapakita ng isang konseptong ipinaglalaban ng karakter.Ipinapakita rin nito kung papaano nya iyon

Naturalismo

Ang teoryang Naturalismo ay nagtataglay ng mga pinasidhing katangian ng teoryang Realismo. Sa teoryang Naturalismo, itinuturing na mabangis na gubat ang buhay sa mga walang kalaban-labang mga tao. Mas detalyado ang paglalarawan ng mga kasuklam-suklam na pangyayari sa buhay ng tao. Tinitignan ang tao na parang hayop na pinag-eeksperementuhan sa isang laboratoryo. Natural sa teoryang ito ang pagkakahati ng lipunan: mayaman at mahirap, babae at lalaki, mabait at masama.

Pormalismo

Pinagtutuunan ng pansin sa teoryang ito ay ang mga istruktura o pagkabuo nito. Isa sa mga tinitignan ay ang kabisaan ng pagkakagamit ng matatalinghagang pahayag. Kabilang din dito ang sukat sa tula na nagpapakita ng bilang ng pantig sa bawat taludtod. Maaring itong lalabindalawahin, lalabing-anim at iba pa. Ang tugmaan naman ay ang pagkakahawig ng mga tunog ng mga huling salita sa bawat taludtod. Kariktan naman kapag gumagamit ng maririkit na salita upang mapukaw ang damdamin at kawilihan ng mambabasa dahil may adhikaing gawing obhektibo ang pagsusuri , wala rin lugar ang opinyon at interpretasyon ng mambabasa. Ito’y namayani sa panahon ng amerikano at

Markismo

Mahalagang mapagtuunan ng pansin ang mga bahaging tiyakang nagpapakita ng paglabanan ng malakas at mahina; mayaman at mahirap. Makabuluhan rin kung paano natalo ng malakas ang mahina ng mayaman ang dukha. Ginagamit ng mga oriyentasyon na ito upang mabuksan ang mga isipan at ang mga mata ng tao sa pang-aapi at pagsasamantalang nagaganap sa lipunan. Ito'y sumibol sa panahon ng kastila at hapon, at namayagpag naman sa makabagong panahon.

Imahismo

Nakatutulong nang malaki sa teoryang ito ay ang mga larawang-diwa o imahe sa ikagaganda ng akda. Tumutukoy ito sa mga salitang kapag binanggit sa akda ay nag-iiwan ng malinaw at tiyak na larawan sa isipan ng mambabasa. Nagpapatalas ito sa pandama ng mga mamababasa. Ito'y naghari sa panahon ng amerikano.

Moralistiko

Ipinalalagay ng mga tagapagtaguyod nito na ang manunulat ay isang nilalang na balon ng maraming kaalaman. Ginagamit ng manunulat ang kanyang akda bilang instrumentong maaring paghanguan ng mga aral na gagabay sa pangaraw-araw na buhay at pagdedesisyon ng kanyang mambabasa. Kung gayon, maari niyang dalhin ang kanyang mambabasa sa mabuti o masamang landas. Namayagpag ito sa panahon ng kastila at makabagong panahon.

Sosyolohikal

Naniniwala ang mga tagapagtaguyod nito na ang manunulat ay produkto ng kanyang panahon, lugar, mga kaganapan, kultura, at institusyon sa kanyang kapaligiran kung saan itinuturing sila bilang boses ng kanyang panahon. Dahil dito, ipinalalagay na ang akdang kanilang nilikha ay repleksyon o salamin ng mga nagaganap sa lipunang kanyang kinalalagyan. Namayagpag ito sa panahon ng propaganda.

Biyograpikal

Naniniwala ang mga biyograpikalista na ang manunulat ay nagsusulat ng mga bagay na personal niyang nararanasan at nakikita sa kanyang paligid. Kung gayon, ang mga isinusulat niyang mga akda ay mga hibo o impluwensiya ng mga karanasan at nangyari sa buhay. Ito'y namayagpag sa kasalukuyan.

Sikolohikal

Ayon kay Freud at crionatekstong matapang (ama at ina ng sikolohiya), ang tao ay isang iceberg na lumulutang sa ibabaw ng karagatan. Nahahati ang iceberg ("bundok ng yelo") sa dalawa ang nakikitang bahagi at ang nakalubog na bahagi. Ang nakikitang bahagi ay ang malay na bahagi ng ating katauhan: ito ang mga impormasyon na alam ng tao ukol sa kanyang sarili. Ang nakalubog na bahagi naman ay ang di-malay na bahagi ng ating katauhan. Tungkulin ng manunuri nito na pag-aralan ang kabataan at personalidad ng may akda at kung paano nilikha ng manunulat ang kanyang akda. Namayagpag ito sa kasalukuyan.

Arketipal

Ayon kay Carl Jung at krionaitalikong teksto, naniniwala siya sa pananaw ni Freud na may di-malay na bahagi ang tao,subalit hindi ito personal na unconscious, bagkus ay kolektibong unconscious. Naniniwala rin siya na magkakatulad o iisa lamang ang karanasan ng nasa di-malay na bahagi ng isipan ng mga tao. Ito ay bunga ng iisang karanasan ng mga ninuno ng tao na naipapasa sa kasalukuyang henerasyon at dahil dito nakalilikha ang mga manunulat ng mga imahen at pangyayaring hango sa mga sinaunang teksto. Patuloy itong namamayagpag sa kasalukuyan.


Peminismo

Sa teoryang ito, maaring tignan ang imahen, pagpapakalarawan, posisyon at gawain ng mga babae sa loob ng akda at maaring ilantad din ang mga de kahong mga imahen ng mga babae sa akda. Ito'y maaring komokompows ng mga panlipunan, kultural, pulitikang pamamalakad, teorya, at moral na pilosopiya na isyu na may kinalaman sa di pantay o pantay na kalagayan ng kasarian.
Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang iba’t ibang aspekto na bumubuo sa tao at mundo. Pinaniniwalaan kasi ng ilang mga pilosopo at manunulat na walang iisang pananaw ang nag-udyok sa may-akda na sumulat kundi ang pinaghalu-halong pananaw na ang nais iparating ay ang kabuuan ng pagtao at mundo.

Via http://tl.wikipedia.org/
Read More...

Saturday, January 1, 2011

0 Close daw sila






LOL !!! adik
Read More...
Hiring:Hiring po kami ng authors dito sa blog na ito!
Attention:Contact you po me there sa Facebook :) eto po ang email ko yfc_hetokeri@yahoo.com

Followers